Tuesday, August 16, 2011

KALUMBAYAN NI MARE. Bipolar si Mare.


Hindi naman ikaw ang mundo ko, pero bakit sa iyo pilit ito'y umiikot?
Hindi rin naman ikaw ang makakatuluyan ko, pero bakit umaasa pa rin ako?


Hindi ko lubos maisip kung bakit ito'y dapat mangyari. Naaning kasi ako e. Siguro, na-misread ko yung mga signals at kung ano man yun. Siguro din, masyado ko lang pinansin yung nararamdaman ko at hindi yung mga nangyayari. Siguro din na, akala ko yung mga nangyayari ganun na lang hanggang sa huli. Pero hindi pala, ganun-g
anun na lang pala siya natatapos. Isang iglap, wala na ang lahat. Wala man lang warning na matatapos na, wala naman ring sagot kung bakit wala na.

Ang hirap din mangapa kung ano dapat ang madama. Hindi mo alam kung, ikaw lang ba ang may problema o baka meron din siya. Lalo na yung part na naghihintay ka. Bakit ka nga ba naghihintay? Pinaghintay ka ba niya? Diba hindi naman? Kaso matik na yun e. Once na may naramdaman ka, parang ayaw mo na siya pakawalan, parang ayaw mo na siya kalimutan. Ano ba ang mahirap inintindihin sa: WALA YUN. WALA NAMAN TALAGA. WALANG WALA? Hindi ba, wala? Simple. Pinapalaki mo lang e.

Salita naman ako ng salita. "Oo na, foforget ko na siya. Promise." Kaso, marinig mo lang pangalan niya, mapapalingon ka na e. Maiisip mo na lahat ng bagay na nangyari e. Nilagyan mo nga ng boundary pero bakit tume-trespass ka pa rin? Siya
lang ba ang mundo mo? Hindi naman 'diba? Kaya please lang? Tama na.

Siyempre, hindi naman magiging ganito ang tao kung walang cause. Kung walang cause - walang effect. SIMPLE. Wala akong sinisisi. Naiinis lang ako kasi bakit ganito yung nararamdaman ko, eh hindi naman nararapat. Siya lang naman yun e. What's so special about the person? Binigyan ka ba niya ng something? - Oo. Minahal ka ba niya? - Hindi. Pinakilig ka ba niya? - Oo. Nag-I love you ba siya? - Oo. Seryoso ba siya? - Malay ko. Nak ng. Pakalabo.

Tas malalaman mo na lang, may bago na. Wow. Paka bilis naman. Parang araw sa isang linggo, pagdating ng -ber months, bumibilis na ang takbo ng panahon. Hindi mo na mahahabol, masyado nang mabilis. Eh bakit ka pa rin nalulungkot? Kasi, na-fall ka, ganon? - Hinde. Eh bakit? Wala lang? Trip mo lang? Hindi ka naman niya iniisip eh.
Bakit mo siya iisipin? Diba? - May point ka rin 'jan.

Bakit hindi mo tanungin yung tao? - Hindi rin naman niya sasabihin. Unfair talaga ng buhay 'noh? Finix niya yung sira mong damdamin, tas sa huli, siya rin sisira. Ampupuness lang diba? Nakakasama lang ng loob. Sabi sabi pa sila na hindi sila malandi, pero oo naman pala. POINT MO?

HINDI KO GETS.
NALALABUAN AKO.
PAKILINAW, PWEDE?
BAKIT GANITO?
BIGYAN MO NAMAN AKO NG SAGOT.

Tama na. Kahit ano pang isipin mo, mali ka. Mali rin ako. Ang mali ko lang, siguro, nagkagusto ako. Nakakapang-sisi. You proved me all wrong. Dami mong sinabi, pero alin dun ang totoo? Parang wala naman.


Dami kong sinabi, pero lahat ng ito. Psh lang sa inyo. Pakelam niyo? Blog ko 'to eh. Bakit niyo binabasa? May advice rin ba kayo? Nakakarelate rin ba kayo? O baka naman, tinatamaan ka na?

Hirap din magpretend na
okay ka, kahit hindi. Shet.


No comments:

Post a Comment